NDRRMC: 2 PATAY, 10 SUGATAN DULOT NI ENTENG

MAY dalawang inulat na nasawi sa Region 7 bunsod nang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bukod pa sa may sampu katao na inulat na nasaktan.

Ayon sa NDRRMC kasalukuyan nilang bina-validate ang dalawang reported death sa Cebu City sa magkahiwalay na landslides dulot ng malakas ng ulan dala ng bagyong Enteng.

Sa situational report nitong Lunes, sinabi ng NDRRMC, ang mga biktima ng bagyo ay mula lahat sa Northern Mindanao at patuloy pa ring bina-validate.

Samantala, nasa 63 indibidwal o 14 na pamilya mula sa tatlong barangay sa Cebu City ang naiulat na apektado.

Dalawang gusali rin ang naiulat na nasira dahil sa landslide sa Central Visayas.

May 739 pasahero naman ang stranded sa iba’t ibang pantalan, karamihan ay nasa Bicol at ilan ang nasa Calabarzon.

Mula sa nabanggit na bilang, 43 katao ang nananatili ngayon sa evacuation centers sa nabanggit na rehiyon.

Dahil naman sa masamang panahon, kanselado ang klase sa mga paaralan sa CALABARZON, Bicol Region at maging sa Metro Manila .

Patuloy namang nakaantabay ang NDRRMC sa iba pang report mula sa mga apektadong rehiyon.

Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 kahapon ang siyam na lugar sa Luzon habang dahan-dahang lumiko ang Tropical Storm Enteng (international name: Yagi) patungo sa silangan ng Polillo Islands nitong Lunes ng umaga.

“From tomorrow early morning (September 3), ENTENG will generally turn west northwestward. Possible landfall over Babuyan Islands is also not ruled out,” ayon sa PAGASA.

“ENTENG is forecast to maintain the tropical storm category until Tuesday and will intensify into a severe tropical storm by Wednesday. It may also reach a peak category of typhoon by Thursday or Friday. Further intensification over the Philippine Sea is still likely due to favorable conditions,” ayon pa sa state weather bureau.

VERLIN RUIZ