NEDA: 2020 GROWTH TARGET KAYA NG PH

Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia-2

MAAARI pang matamo ng Filipinas ang lower range ng economic growth target nito na 6.5% hanggang 7.5% sa kabila ng downside risks tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, kaya pa ng bansa na makamit ang downward-revised target ngayong taon.

“6.5-7% should be achievable,” ani Pernia nang tanungin sa epekto ng COVID-19 sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang numero ay mas mababa sa 6.5-7.5% target, na unang nasa 7.0%- 8.0%.

Sa pinakahuling report, mahigit sa  80,000 kaso ng COVID-19 ang naitala sa mainland China, ang epicenter ng sakit na kumalat na sa maraming bansa.