WALANG laking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas, ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.
Sinabi ni Balisacan na ito’y dahil ang ekonomiya ng bansa ay may napakaliit na exposure kapwa sa Israel at Palestine.
Aniya, kapag ang giyera ay nakaapekto sa global supply chain at sa presyo ng langis, maaaring maramdaman ng local economy ang matinding epekto.
“I think the question is whether will it spread.
And that’s another matter because if it gets into the supply chain, affecting global movements of trade, the effects can even be more substantial,” pahayag ni Balisacan sa Palace briefing nitong Biyernes.
“As of this date, we don’t see a major impact in the economy…
There’s hardly any impact,” anang opisyal.
Aniya, bagama’t nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng langis, hindi matiyak ng mga economic manager kung ito ay inisyal na reaksiyon.