NEG OCC SAPAT ANG SUPPLY NG HAMON NGAYONG KAPASKUHAN

Ham

INIHAYAG ng Negrenses na dating nag-ban ng pagpasok ng pork at pork products mula sa Luzon at mga bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF) na may sapat na supply ng hamon para sa Pasko at Bagong Taon.

“So far, our stocks of ham are okay, although not the popular brands,” ani Dr. Ryan Janoya, hepe Provincial Veterinary Office (PVO) Animal Health Land Meat Inspection Services kamakailan.

Sa pagpapatupad ng ASF Prevention Ordinance of Negros Occidental simula noong Disyembre 9, gumawa ang provincial government ng kampanya na “Let’s eat Negros pork” bilang suport sa Php 6 bilyong hog industry ng probinsiya.

Nauna rito, sinabi ni Dr. Renante Decena, provincial veterina­rian, na dalawang local processors sa Negros Occidental, kasama ang L.L.Z. Frozen Foods and Victorias Foods Corp., na matutugunan ang local demand para sa processed ham.

Mula Setyembre, nagsagawa na ang PVO ng pagrerepaso ng locally-sourced processed ham at pork products para masiguro ang sapat na supply.

“Negrenses can still have happy pork treats in celebrating this holiday season,” sabi niya.

Kaya ng local food processors ang pagpo-prodyus ng limang to­neladang hamon araw-araw, ganundin ang bacon, sausages, hotdog, tocino, chorizo, embutido, patties, at iba pang high-quality processed pork products.

Higit pa rito, sinabi ni Janoya ang supply ng karne, lalo na ang baboy, ay nananatiling matatag sa probinsiya ng Negros at patuloy na maraming mapagkukunan.

Nagkaroon ng mababang demand para sa baboy ng mga nagdaang buwan dahil sa ASF scare, pero simula nang Disyembre, nagsimula nang tumaas ang demand sa baboy.

Pahayag ni Janoya, nawala na rin ang public concern dahil napagtanto ng Negrense consumers na ang local pork products ay ligtas kainin ng publiko.

“The demand for meat products, especially pork, peaks during the holiday season,” sabi niya.

Base sa report ng PVO report noong nakaraang linggo, ang pres­yo ng halos lahat nang bilihin ay nananatiling stable maliban sa manok na tumaas ng Php0.30 bawat kilo. Ang normal na presyo ng baboy ay nasa Php220 bawat kilo.

Ayon kay ni Janoya na makaaasa ang mga konsyumer na tataas ang presyo simula sa linggong ito hanggang sa katapusan ng buwan.

“This is the time where the demand is really at its peak although there will only be a slight increase in the prices of meat products,” dagdag pa niya. PNA

Comments are closed.