BALIK na si Thirdy Ravena sa training sa San-En Neophoenix makaraang magnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang Filipino import, na nahawaan ng COVID-19 noong November, ay binigyan ng clearance ng health authorities sa Japan na muling makasama ang kanyang koponan sa B.League.
Inanunsiyo ng Neophoenix ang magandang balita noong Biyernes sa kanilang Twitter account.
Sasamahan ni Ravena ang koponan sa kanilang laro kontra Levanga Hokkaido sa Sabado at Linggo, subalit wala pang desisyon ang Neophoenix kung paglalaruin ang Pinoy.
Tiniyak ng dating Ateneo star sa kanyang fans na nasa mabuti siyang kalagayan makaraang pumutok ang balita hinggil sa kanyang kondisyon.
Si Ravena ay tumanggap ng medical treatment at nag-quarantine sa bahay habang nagpapagaling sa virus.
Comments are closed.