NAKATAKDANG makinabang ang animal raisers sa Negros Occidental sa ipinapanukalang suggested retail prices (SRPs) para sa produktong agrikultura tulad ng manok at isda.
Napipintong simulan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng SRPs para sa produktong agrikultura sa gitna ng mataas na presyo ng mga naturang bilihin.
Sinabi ni Dr. Renante Decena, provincial veterinarian, kamakailan na magkakabenepisyo rito ang livestock at poultry raisers dahil ang presyo ng buhay na manok o isda ay mas mababa kumpara sa karne.
Halimbawa, ang buhay na manok ay may farmgate price na PHP70 lamang habang ang dressed chicken ay ibinebenta ng mataas hanggang PHP155 bawat ulo o bawat buong karneng manok. Ang presyo ng buhay na baboy ay nagkakahalaga ng PHP95 lamang habang ang karneng baboy ay nagka-kahalaga na ng PHP220 bawat kilo.
“To me, this is disadvantageous to the raisers and producers,” sabi ni Decena.
Sa Negros Occidental, ang Provincial Veterinary Office (PVO) livestock and poultry monitoring ay nakapokus sa presyo at supply sa bawat local government unit o distrito.
Para sa mga buhay na hayop, ang monitoring ay ginagawa sa pamamagitan ng auction markets habang ang para sa karne, ay sa pamamagitan ng public markets sa mga probinsiya.
Sinabi ni Decena na ang pagtatakda ng SRPs sa mga produktong agrikultura ay mas kapaki-pakinabang sa local backyard raisers dahil ang commercial raisers ay mayroon nang integrators na nagbibigay ng value chain sa kanilang produkto.
“The SRPs will provide backyard raisers a good avenue to compete with commercial ones,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Decena na itinutulak ng PVO ang value-adding sa mga hog raiser tulad ng pagbebenta sa pamamagitan ng meat shops at pagsali sa pagpoproseso ng karne.
“They can compete if they will do marketing,” pagwawakas niya. PNA
Comments are closed.