DUMANAS ng pagkalugi ang animal raisers sa Negros Occidental na nagkakahalaga ng PHP846,818 sa tatlong araw, kasunod ng malakas na pag-ulan at pagbaha na dala ng Tropical Storm Falcon.
Sa isang report na inilabas kamakailan ng Provincial Veterinary Office (PVO), nakita rito na mula Hulyo July 15 hanggang 18, ang pinsala ang pagkalugi ay galing sa report ng mga livestock and poultry sector sa 27 barangays sa walong local government units (LGUs).
Ito ay ang mga siyudad ng Bago, La Carlota at Kabankalan, at ang mga bayan ng Pulupandan, Valladolid, San Enrique, Isabela, at Ilog.
Sinabi ni Dr. Renante Decena, provincial veterinarian, na kinokonsidera ang halaga ng pinsala na maging minimal dahil sa iba’t ibang preventive measures na ipinatutupad ng PVO.
Lahat ng district at city veterinarians, kasama ang livestock technicians, para vets, at poultry at livestock association members, ay nakapagsanay na para sa disaster preparedness, dagdag pa niya.
“The regular conduct of information and education campaign for livestock and poultry raisers have increased their awareness on disaster prepared-ness, risk reduction, and response,” ani Decena, dagdag pa na ang PVO district field units, kasama ang para vets, ay malapit na nakipag-koordinasyon at nagsagawa ng monitoring sa mga apektadong LGUs.
Sinabi ni Decena na ito ang epektibong paraan para mabalaan ang mga apektado at mahihinang lugar.
“Veterinary drugs and biologics have been stockpiled at the PVO district field units and are readily available for quick response,” dagdag pa niya.
Nauna rito, ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang nag-report ng pagkalugi sa produksiyon ng bigas na may total na PHP7.1 million sa 846 magsasaka sa Bago City, at Valladolid at bayan ng San Enrique sa southern Negros. PNA
Comments are closed.