NEGOCC ARBs IPINAGMALAKI ANG MGA PRODUKTO SA AGRIPRENEURIAL EXPO

NEGOCC ARBs

IPINAGMALAKI ng farmer beneficiaries sa Negros Occidental ang kanilang produktong agrikultura sa isang linggong Agrarian Agripreneurial Expo 2019 bilang paggunita sa kanilang ika-31 taon ng Comprehensive Agra­rian Reform Program (CARP).

Naging punong-abala ang Department of Agra­rian Reform (DAR) Neg­ros Occidental-South sa gawain na ginanap sa Ayala Malls Capitol Central sa probinsiya at tatagal hanggang Hunyo 30.

Mabibili rito ang mga produktong pagkain tulad ng muscovado, sinamak, coffee, oatmeal cookies, taro at carrot chips, fresh fruits, virgin coconut oil, at personal care items tulad ng  moisturizing soap.

Sinabi ng provincial agrarian reform program officer na si Teresita Mabunay na pinalalawig ng ahensiya ang kanilang serbisyo sa post-land distribution bilang bahagi ng programang may holistic approach para matulu­ngan na maiangat ang buhay ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) at bigyan sila ng mas maa­yos at matatag na pananalapi na pangkinabukasan.

“Let it be known that CARP implementation does not end with the distribution of lands to the landless farmers,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Mabunay na ang ahensiya ang may mandato na mag-deliver ng mas “responsive at integrated package of support services” sa ARBs at sa kanilang organisasyon na nangangailangan na maging produktibo ang kanilang lupain.

Ang Negros Occidental ang may pinakamala­king land reform area sa bansa. Hanggang sa  2018, may total 187,677 ektaryang lupa na ang naipamahagi sa probinsiya mula nang ito ay magsimula noong taong 1988.

Samantala,  ang mga organisasyon ng ARBs na kasali sa expo ay kinilala sa pamamagitan ng Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program, na dating tinawag na Program Beneficiaries Development Division.

Ang iba sa kanila ay recipients ng iba’t ibang DAR programs tulad ng Village Level Farm-Focused Enterprise Deve­lopment and LinkSFarm.

Hinimok ni Mabunay ang mga Negrense na suportahan ang mga magsasakang local sa pamamagitan ng pagbisita sa expo at bumili ng kanilang produkto.

Ipinakikita sa expo ang mga pelikula ng istor­ya ng pagtatagumpay ng iba’t ibang  ARBs organizations, na naka-highlight ang kanilang paghihirap at mga nagawang ikinararangal.

Naglagay rin ang DAR Negros Occidental-South ng consultation desk para matugunan ang mga katanungan tungkol sa land reform program at ang kanilang support services.    PNA