NEGOCC MAY NAKALAANG P5-M PONDO PARA SA PALAY PROCUREMENT

Palay

INIHAYAG ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na may nakalaan pang P5 milyong pondo ang provincial government para sa procurement ng palay.

“The fund is available. If ever there’s a need to buy palay, we will buy,” lahad ng gobernador sa isang panayam.

Binanggit ni Lacson na ang ordinansa na inaprubahan ng Provincial Board na pinondohan ng palay procurement ay nakalathala pa at ang buying process ay puwedeng magsimula sa susunod na araw.

Nitong Setyembre, sinabi ng gobernador na ang provincial government na nakapagtabi na ng paunang P5 milyong pondo para sa pagbili ng palay sa gitna ng bumababang presyo.

Ang buying price ng probinsiya ay nasa P15 kada kilo. Bibili sila ng palay sa mga magsasaka at ibebenta ang stock sa government institutions. Ang makukuha sa pagbebenta ay gagamitin sa patuloy na pagbili sa mga magsasaka hanggang kinakailangan.

Ang buying station ay itatalaga sa rice processing center sa Bago City, na may pagpapatuyo, gilingan at pag-iimbakan.

Sa Negros Occidental, bumibili ang National Food Authority (NFA) ng palay sa P19 kada kilo, lalo na para sa malinis at tuyo nang stock.

Mula sa dating support price na P17 bawat kilo, nagrekomenda ang NFA Council ng dagdag na P2, na magiging P19 kada kilo ang magiging kasalukuyang bilihan ng palay.

Pero ang insentibo na hanggang  P3.70 bawat kilot ay inalis na.

Matagal nang hinihimok  ni Frisco Canoy, provincial manager ng NFA-Negros Occidental, ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang palay sa NFA buying stations sa mga siyudad ng Bacolod, Bago at San Carlos; at bayan ng  Ilog.

Noong nagdaang buwan, iniulat ng Office of the Provincial Agriculturist na ang average price ng palay sa probinsiya ay bumaba sa P13 hanggang P14 kada kilo. PNA

Comments are closed.