NAKIPAG-USAP na ang Department of Agriculture (DA) sa Western Visayas sa Negros Occidental provincial government ng paraan para makatulong sa rice farmers na makabawi sa mababang presyo ng palay. (unhusked rice).
Sinabi ni DA-6 Regional Director Remelyn Recoter sa isang pahayag kamakailan na gusto ni Governor Eugenio Jose Lacson na magkaroon ng inisyatibo ang kanilang probinsiya.
“The governor is inclined to implement an economic enterprise mode utilizing the Rice Processing Center (RPC) which has drying, milling, and storage facilities,” sabi ni Recoter.
Sinabi pa ng DA official na makikipagpartner ang provincial government sa lahat ng RPCs sa kanilang lugar na tanggapin ang ani ng mga magsasaka na hindi accredited at walang National Food Authority (NFA) passbook.
Sinabi pa ni Recoter na nagpapasalamat siya kay Lacson na pumayag sa hamon ni Agriculture Secretary William Dar na direktang makipag-ugnayan sa rice industry value chain para makapagbigay ng direktang solusyon sa bumababang presyo ng palay.
Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA), ang tamang prevailing price ng palay sa Negros Occidental ay PHP13 hanggang PHP14 bawat kilo. Mababa sa PHP18 hanggang PHP20 bawat kilo na dapat na halaga bago naipatupad ang Rice Tariffication Law.
Pero, naunang sinabi ni Dar na hindi ang implementasyon ng RTL kundi ang pagtatago ng palaya ang dapat sisihin kaya bumabagsak ang presyo ng palay.
Dagdag pa niya na bagamat ang Republic Act 11203 ay may tinatawag na “birth pangs”, naniniwala siya na ito ay makatutulong sa mga magsasaka para mas maging competitive sa pagdaan ng panahon at mababa ang inflation rates.
Sinabi ni Lacson sa isang hiwalay na panayam na kinokonsidera ng provincial government ng opsiyon ng pagbili ng palay.
Ito ay sa pagbibigay ng dagdag na pondo sa National Food Authority (NFA) sa pambili ng palay o direktang bumili sa mga magsasaka.
Sinabi ni Lacson na makikipagkita siya sa OPA at iba pang kaugnay na ahensiya para pag-usapan ang inisyatibo ng Kapitolyo.
Sa kasalukuyan, ang NFA ay kumukuha ng palay sa local farmers sa suportang halaga na PHP17 bawat kilo at nagbibigay ng insentibo na PHP3 bawat kilo, at PHP0.70 kada kilo na may drying incentive na PHP0.20, delivery at incentive na PHP0.20, and cooperative development incentive fee na PHP0.30 para sa asosasyon na sila ay kasali.
Ang bawat magsasaka ay makatatanggap ng maximum na PHP20.40 bawat kilo habang ang miyembro ng farmer cooperatives ay makakukuha ng maximum na PHP20.70 bawat kilo ng palay na ibinebenta sa NFA. PNA
Comments are closed.