NEGOCC VET OFFICE AND PRODUCERS WORK FOR SAFE CHICKEN MEAT

CHICKEN MEAT

DAHIL patuloy ang pagdami ng mga kumakain ng karneng manok sa Negros Occidental, patuloy ang pagtatrabaho ng provincial government at koordinasyon sa broiler producers at dressing plant operators para masiguro ang ligtas at de kalidad ng karne para sa mga Negrense.

“We need to ensure that chicken meat products sold in the markets are safe for consumption,” sabi ni provincial veterinarian Renante Decena.

Binigyang-diin ito noong nakaraang miting na pinangunahan ng Provincial Veterinary Office (PVO) at ng National Meat Inspection Services (NMIS) 6 (Western Visayas) kasama ang Association of Broiler Integrators of Negros Occidental at ang poultry dressing plant owners at operators sa probinsiya.

Hanggang nitong Biyernes, ini-report ng PVO at NMIS na tinatayang 25,000 ulo ng broiler chicken na naibenta sa mga pamilihan ng Negros Occidental araw-araw ay hindi pumasa sa kinakailangang meat inspection at certification.

Nangangahulugan ito na hindi sigurado kung ang mga produkto ay ligtas at puwedeng kainin ng mga tao at ito ay sumunod sa food safety standards dahil ang mga ito ay kinatay ng patago.

Napansin ng PVO na ang dagdag na produksiyon ng manok sa probinsiya, ang volume ay mas mataas kaysa sa kapasidad ng kasalukuyang dressing plants.

Dagdag pa nito na ang dressing plant operators na nangako na bigyan ng kahit 7,000 ulo ng manok bawat araw mula sa integrators at growers simula sa susunod na buwan.

Dalawang chicken dressing facilities sa Bago City at EB Magalona ang nasa ilalim ng konstruksiyon at inaasahang magsisimula ang operation sa huling tatlong buwan ng taon.

Makikipag-usap ang mga tauhan ng PVO Meat Inspection Division, kasama ang NMIS Field Office sa gobyernong lokal para sa monitoring at implementas­yon ng tamang aksiyon, dagdag ni Decena. PNA