NASAKOTE ng mga awtoridad sa entrapment operation ang dalawa katao na sangkot umano sa pagbebenta ng mga sako ng bigas na may markang “Dinorado Farmer’s Choice” na walang pahintulot mula sa sole distributor nito sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga suspek na si Nicomedes Bren, 54-anyos, negosyante ng 141 Melon Road, Brgy. Potrero at Christian Calderon, 35-anyos, tricycle driver ng Bunducan, Bocaue, Bulacan na naaresto sa entrapment operation ng mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) sa pangunguna ni SSgt. Jeric Tindugan at Cpl. Anastacio Pangan, Jr. dakong alas-7 ng gabi sa Block 52 Villa Martinez, Bautista St. Brgy. Panghulo.
Sa imbestigayon ni SSg Michael Oben, ang kaso ay nagmula sa reklamo ng kinatawan ng Northern Luzon Grain Dealer Inc.na ni Kristian David Rivera, 37-anyos, Sales Executive, matapos ang mga suspek ay nag-alok na nagbebenta ng mga sako ng bigas na may marking ng “Dinorado Farmer’s Choice” sa kanilang facebook account na nasa P5.50 bawat isa kung saan ang complainant ang sole distributor nito.
Ani Barot, nagawang makipagtransaksyon ng isang police poseur-buyer sa mga suspek ng 3,000 pirasong sako kapalit ng P16,500 marked money na tatlong pirasong tunay na P1,000 bill at 13 pirasong boodle money.
Iprinisinta ang mga naarestong suspek sa inquest proceedings sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 8293 of the Intellectual Property Act at Estafa. EVELYN GARCIA
647099 652251You ought to take part in a contest for among the top blogs on the web. I will suggest this web website! 712486
775854 143596Read more on that Post.Helpful information. 956234