NEGOSYANTE, 2 PA PATAY SA HELICOPTER CRASH

HELICOPTER CRASH

BULACAN – NAG­LULUKSA ang pamilya Laus, kaibigan at mga tauhan nito nang mamatay ang chairman ng Laus Group of companies kasama ang dalawang iba pa nang bumagsak sa palaisdaan ang sinasakyan nilang  helicopter sa Brgy. Anilao, Malolos  City kahapon ng alas-12:50 ng tanghali.

Sa sketchy report ng Bulacan Police Provincial, dead on the spot si Liberato Laus, at sina Wilfran Esteban, bodyguard ni Laus at piloto na si Capt. Eve­rette Coronel.

Ayon kay PNP Spokeperson Police Col. Bernard Banac, helicopter na may  body number na RP C8098 ay “totally wrecked”.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Bulacan upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.

REA SARMIENTO/THONY ARCENAL

Comments are closed.