NEGOSYANTE, 2 PA TIMBOG SA BUY BUST

BULACAN- ARESTADO sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad at PDEA ang isang negosyante at dalawang kasama nito sa Barangay Partida, San Miguel sa lalawigang ito.

Sa report na ipinadala ni Lt.Col. Jun Protacio kay PNP Regional Director BGen.Jose Hidalgo Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Brent Carlo Concepcion y Ferrer, 33-anyos, businessman na kabilang sa PNP PDEA Watchlist , residente ng Tecson St. Brgy. Salangan; Dunald Villarino y Dela Cruz, 28-anyos ng Brgy. Telepatio, San Ildefonso at Billy Joel Tecson y Caluag, 25-anyos ng Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, ganap na alas-4:30 ng hapon nitong Lunes nang matanggap nila ang impormasyon kaugnay sa buy bust operation makaraang magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga tauhan ni Capt.Mervin Ongcamua bandang alas-8 ng gabi.

Nakuha mula kay alyas Carlo ang 2 plastic sachets ng hinihinalang highgrade Marijuana o kush.

Habang nakumpiska sa dalawa pang suspek ang 5 disposables vape na naglalaman ng cannabis oil na nakalagay sa isang maliit na kahon.

Dagdag pa dito, ang 3 kulay asul na boxes nang cannabis oil na nagkakahalaga ng P602,400.00 at marked money.

Nasamsam din sa mga suspek ang P5,900.00 cash samantala paglabag sa Sec.5,11 Article ll ng RA 9165 ang kakaharapin ng mga suspek sa San Miguel Municiapal Jail.
THONY ARCENAL