NEGOSYANTE DINUKOT NG ARMADO, PINAGHAHANAP

dinukot

LAGUNA – PINAGHAHANAP  na ng awtoridad ang 40-anyos na lalaking negosyante matapos umanong dukutin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa kanyang tirahan sa Brgy. Bucal, lungsod ng Calamba kamakalawa ng umaga.

Sinasabing sa harap mismo ng kanyang live-in-partner na si alyas Sha Mia, tinangay ng mga suspek ang biktimang kinilala ni PLt. Col. Gene Licud, hepe ng pulisya na si Wilbrodo “Willy” Cacao Maiquez habang lulan sa isang kulay pulang sasakyan na van na may plakang NBJ-5887 patungo ng kabayanan.

Bandang alas-10:09 ng umaga base sa ulat ng sumulpot sa lugar ang isa sa mga suspek matapos magpakilala umanong customer sa pinauupahang apartment ng biktima.

Makaraan nito, biglang dumating sa lugar ang dalawang sasakyan lulan ang limang armadong suspek bago sapilitang tinangay ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.

Kaugnay nito, agarang nagkasa ng follow-up operation ang pulisya para sa mabilisang ikalulutas ng nasabing kaso, masagip ng mga ito ang biktima at maaresto ang mga suspek. DICK GARAY

2 thoughts on “NEGOSYANTE DINUKOT NG ARMADO, PINAGHAHANAP”

Comments are closed.