ISABELA-SUGATAN ang isang negosyante matapos barilin ng kasosyo sa may Barangay San Rafael, Roxas ng nasabing lalawigan.
Nakilala ang biktima na si Demy Buluran, 36-anyos, may asawa at residente ng Nueva Era, San Manuel, Isabela na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Habang ang suspek ay si Lando Simpliciano, 32-anyos, residente ng Nuesa, Roxas, Isabela ay naaresto kaagad ng mga awtoridad.
Sa imbestigasyon ng PNP Roxas, binabagtas ng biktima ang Daang Maharlika lulan ang kanyang kotse patungong Timog na direksyon nang harangin ni Simpliciano lulan namang motorsiklo at walang sabi sabing pinagbabaril si Buluran.
Bagaman sugatan, nagawa namang makahingi ng tulong ang biktima sa mga kasapi ng Roxas PNP na nakabantay sa quarantine checkpoint sa Barangay Bantug, Roxas. IRENE GONZALES
Comments are closed.