NEGOSYANTE NILIKIDA NG RIDING IN TANDEM

pinagbabaril

CEBU CITY – PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang  trucker/hauler operator ng riding in tandem kama­kalawa ng gabi sa Barangay Mabolo sa nasabing lalawigan.

Sa report ng Cebu City Police Office, nasawi sa pananam­bang ang negosyanteng si Jeffrey Gomonit, 19-anyos, Linggo ng gabi.

Lumabas sa  pagsisiyasat na sakay ng isang sports utility vehicle ang biktima nang bigla itong dikitan ng dalawang suspek na naka-bonnet habang sakay ng motorsiklo na malapit lamang sa isang istasyon ng pulisya.

Agad na nakatawag pansin sa awtoridad ang insidente subalit mabilis na nakatakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang follow-up investigation ng awtoridad upang kilalanin ang mga posibleng suspek o person of interest  sa insidente.

Kabilang umano rito ang taong nakausap ni Gomonit sa isang mall sa downtown Cebu bago ang pamamaril.

Tumangging magbigay ng panayam ang pamilya ni Gomonit na ang negosyo ay hauler ng buhangin, graba, at bato. VERLIN RUIZ

Comments are closed.