SINISIYASAT ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Bulacan ang katawan ng negosyante na limang beses binaril ng suspek sa parking lot ng pribadong ospital sa Malolos City. Kuha ni THONY ARCENAL
BULACAN – DEAD on the spot ang negosyante nang pagbabarilin habang nasa parking lot ng ospital sa Malolos City.
Kinilala ang biktima na si Christian Burdeos Uchi, 31-anyos, isang negosyante ng Clothing Online at buy and Sell at residente sa residente ng Grand Royal Subd. Brgy, Bulihan.
Pasado alas-5:00 ng Oktubre 11, 2024 nang hapon nang malapitang barilin ng limang beses ng suspek ang biktima na noo’y sakay ng kulay asul na Hilux pick-up.
Isang lalaki na lulan ng kulay pulang motorsiklo ang suspek at gumamit ng cal.9MM na baril.
Agad naman dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar, kung saan, narekobersa biktima ang pera na P149,000 at ilang mahahalagang gamit.
Nabatid na kinuha lamang ng biktima ang gamit na damit ng kanyang kinakasama na bagong panganak sa naturang ospital.
Dahil dito agad rin ipinag-utos ni PNP Provincial Director PCol.Satur Ediong, ang malalimang imbestigasyon, kaugnay sa pamamaril.
THONY ARCENAL