LAGUNA- BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Laguna Intelligence Unit ang isang negosyante sa isinagawang buy bust operation kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Angel Sur sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito.
Sa pahayag ng pulisya, nakilala ang suspek na si Rainier Alvarez, 48-anyos, may- asawa at residente ng nabanggit na barangay.
Si Alvarez ay kilalang businessman sa Sta.Cruz na sumailalim sa ilang buwang surveillance dahil sa pagkalulong umano nito sa droga.
Ayon kay Col. Rolly Liegen, chief of police ng Santa Cruz, isang tip ang natanggap ng kanilang himpilan hinggil sa malakihang bentahan ng shabu sa lugar na tinitirhan ng suspek.
Agad umanong naglatag ng isang entrapment operation ang mga pulis katuwang ang Laguna- PDEA unit para sa pagdakip sa suspek.
Sa pamamagitan ng isang poseur buyer na umorder ng 40 gramo ng shabu madali nakipag- transaksiyon si Alvarez at itinakda ang lugar ng bilihan.
Nang akmang tinanggap na ng suspek ang perang nagkakahalaga ng P300,000 at agad na pinosasan ito at dinala sa presinto.
Nahaharap ang negosyante sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ARMAN CAMBE