NEGOSYANTE TINAMBANGAN

LAGUNA – INAMBUS at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang lalaking negosyante habang papauwi ito ng kanyang tirahan lulan sa kanyang minamanehong pick up sa Brgy. Banca, Banca, Victoria ng lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Gilbert Punzalan, may asawa, residente ng Brgy. San Antonio, Pila, Laguna.

Bandang ala-6:30 Biyernes ng umaga nang maganap ang insidente.

Sinasabing galing umano ang biktima sa lugar kung saan may pagawaan ito ng furniture nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang insidente lulan sa hindi naplakahan na motorsiklo patu­ngo ng bayan ng Calauan habang ang biktima ay agarang isinugod sa pagamutan kung saan doon ito binawian nang buhay bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Kaugnay nito, patuloy na kinikilala ng pulisya ang mga suspek na responsable sa krimen at posibleng motibo sa pamamaslang. DICK GARAY

5 thoughts on “NEGOSYANTE TINAMBANGAN”

  1. 446740 747233I discovered your blog site web site on google and appearance some of your early posts. Preserve up the great operate. I just extra increase Feed to my MSN News Reader. Seeking for toward reading far more by you later on! 64860

Comments are closed.