NEGOSYANTE TINAMBANGAN

QUEZON- DEAD on the spot ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa harap ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Barangay Isabang, Lucena City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Lt Col Ruben Ballera, hepe ng pulisya ang biktima na si Isaac Cristuta Baquierel, 57-anyos na residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Lucena PNP, nagmamaniobra ng kanyang sasakyan Ford Raptor pick up ang biktima at papunta sa bakery nito para kumuha ng tinapay nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin dakong alas-5:30 ng umaga.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at naisugod pa sa ospital ang biktima ng mga nakasaksi subalit dead on arrival na ito dahil sa 9 na tama ng bala na tinamo nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo nitong trucking services ang motibo sa krimen,at inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga salarin. BONG RIVERA