LAS PIÑAS CITY- PATAY ang isang businessman matapos barilin ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Michael Padlan,47-anyos, at nakatira sa B19 Elizalde St., EVS Subdivision, CA/BF International, Las Piñas City.
Si Padilan ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan at idineklarang dead on arrival sa University of Perpetual Help Hospital ng attending doctor na si Dr. John Paul Barrios.
Naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa may Palace St., Southland, Barangay CAA.BF International, Las Piñas City.
Sa pahayag ng pulisya bago naganap ang insidene ang biktima ay nakasakay sa kanyang kulay silver gray na BMW X5 na may plakang AOT88 nang bigla itong harangin ng isang lalaking sakay ng kulay na itim na motorsiklo na nakatakip ng panyo ang mukha.
Dagdag pa ng pulisya na bigla na lang binaril ng suspek ang biktima at agad na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang pamamaril upang malaman ang motibo ng pagpatay sa biktima. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.