NEGOSYANTENG CHINESE NALUNOD SA LAWA

LAGUNA – NALUNOD sa lawa ang 23-anyos na negosyanteng Chinese habang lulan sa minamaneho nitong Jetski sa Brgy. Talaongan, bayan ng Cavinti.

Sinasabing nakainom ng alak ang biktimang kinilala ni PNP Public Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran na si Yang Zhou, pansamantalang naninirahan sa Nonach Building, Pasay, City ng maganap ang insidente.

Bandang alas 7:00 nakaraang Sabado ng gabi base sa ulat ng makipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan ng magpasya umano itong sumakay sa kanyang jetski sa kabila ng marami ng nainom na alak at madilim pa ang gabi.

Mula sa lugar na kanilang pinag-inuman, hindi umano inaasahang mawala sa tamang balanse ang biktima dahil sa tulin kasunod ang paglubog nito sa Lawa.

Bagaman mabilisang nagsagawa ng mabilisang Search and Rescue Operation ang kagawad ng Cavinti PNP, miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Pagsanjan Frogman, kung saan hindi na nasagip pa ng mga ito ang biktima sa malalim na bahagi ng Caliraya Lake.

Dakong alas-2:52 Linggo ng hapon nang marekober ng mga ito ang bangkay ng biktima matapos ang matagal na paghahanap ng mga ito sa lugar. DICK GARAY

3 thoughts on “NEGOSYANTENG CHINESE NALUNOD SA LAWA”

  1. 597426 271653Terrific paintings! That will be the type of info that are meant to be shared about the net. Shame on the seek for no longer positioning this publish higher! Come on more than and consult with my site . Thank you =) 548389

  2. obviously like your web-site but you need to check the spelling on several of your posts. A number of them are rife with spelling problems and I find it very troublesome to tell the truth nevertheless I will surely come back again.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *