ORIENTAL MINDORO- PATAY sa pamamaril ang isang negosyanteng kapatid ng konsehal ng Pola sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Oriental Mindoro PNP, dead on the spot ang biktimang si Aristotle Rivas, 39-anyos nang barilin sa ulo.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, kasalukuyang kumakain sa harap ng kanyang tindahan sa loob ng Pola public market ang biktima nang biglang barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang suspek.
Nagtamo si Rivas ng isang tama ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa ulo na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.
Matapos na makitang bumagsak ang kanilang target ay mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo .
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para sa kakikilanlan ng mga suspek habang hindi pa rin malinaw ang motibo sa pamamaslang. VERLIN RUIZ