NEGOSYO CENTER SA OBANDO BINUKSAN NA SA PUBLIKO

BULACAN- KAHIT may pandemya, tuloy ang ribbon cutting at binuksan na sa publiko ang Micro, Small & Medium Enterprises Development Council (MSMEDC), ang Negosyo Center sa bayan ng Obando.

Sinabi ni Department of Trade and Industry-Bulacan Provincial Director Edna Dizon, na hindi na kailangang pumunta pa sa karatig bayan para mag-apply ng business name.

Dahil maaari na lamang magtungo sa Business One-Stop Shop ng bagong munisipyo.

Ayon naman kay Municipal Administrator Bernard Villasor, mas mapabibilis na ang proseso sa pagbubukas ng negosyo sa kanilkang bayan.

Kung saan ma-aari nang makuha nang business permit at business name sa maikling sandali.

Positibo ang pamahalaang Obando na dumami ang mga aplikante bunsod ng inaasahang pagbubukas ng bagong pamilihang bayan. THONY ARCENAL

4 thoughts on “NEGOSYO CENTER SA OBANDO BINUKSAN NA SA PUBLIKO”

Comments are closed.