HIGIT sa 8,000 micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Negros Occidental ang nakinabang sa tulong ng iba’t ibang Negosyo Centers ng Department of Trade and Industry (DTI) sa nagdaang apat na tao.
Ang bilang ay bumubuo ng 4,177 newly-assisted enterprises noong 2019, at 3,935 kasalukuyang MSMEs o iyong mga natulungan ng mga nagdaang taon mula 2015.
Sinabi ni Engiemar Tupas, officer-in-charge chief of Industry Development Division ng DTI-Negros Occidental kamakailan na ang MSMEs ay binigyan ng package of assistance, at ang serbisyo ng ahensiya ay hindi natatapos sa pagrerehistro ng negosyo.
“These should include having them attend seminars and orientation on consumer rights and provision of information materials. We also encourage them to register as barangay micro business enterprise (BMBE),” sabi niya.
May 23 Negosyo Centers sa 22 siyudad at bayan ng Negros Occidental, kasama ang Bacolod City, na itinayo sa ilalim ng Republic Act 10644, o ang Go Negosyo Act.
Nagbibigay ang Negosyo Center sa MSMEs na gaan sa paggawa ng negosyo at pasilitasyon ng daan para sa grants at iba pang klase ng financial assistance, at shared service facilities (SSF). Tumatanggap din ito at nag-aayos ng business name registration applications.
Noong 2015, ang Negros First Negosyo Center ay binuksan sa Provincial Capitol Complex sa Bacolod City, kasama ang siyudad ng Kabankalan at Sagay.
Nang sumunod na taon, nagkaroon ng operasyon ang Negosyo Centers sa bayan ng Hinigaran, siyudad ng Bacolod, San Carlos, Victorias, at La Carlota at noong 2017 ang mga nagbukas ay sa bayan ng Isabela, Hinobaan, La Castellana, Cauayan, E.B. Magalona, siyudad ng Himamaylan, Bago, at Sipalay.
Ang mga itinayo naman noong 2018 ay sa bayang ng Binalbagan, San Enrique, Pontevedra, siyudad ng Cadiz, Escalante, Talisay City, at Silay.
Inaasahan pa na magbubukas ng 10 center sa Negros Occidental ngayong taon.
Pahayag ni Tupas na ang pagtatayo ng mga ganitong pasilidad ay tunay na nakatulong sa development ng mga negosyanteng Negrense, at nagkaroon ng daan ang DTI para dalhin ang kanilang serbisyo at mapalapit sa mga tao lalo na ang mga naroon sa kabukiran. PNA
Comments are closed.