NEGOSYO CENTERS REGALO SA MANGGAGAWA NG DTI

NEGOSYO CENTER-3

BENGUET – BILANG regalo sa mga mang­gagawa, itatayo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyo center kung saan isasagawa ang mga labor craft and business fair sa Baguio City National High School.

Ayon kay DTI-Cordillera Regional Director Myrna Pablo, nagsagawa kahapon ang ahensiya ng business counseling at forum sa mga interesadong maging negos­yante.

Tututukan din ng DTI ang pagbibigay ng business training sa mga kabataan.

Tutulong ang Technical Education and Skills Development Authority sa pagtuturo sa mga nagnanais na magtayo ng sarili nilang negosyo.

Magugunitang inanunsiyo na ng Malacañang na walang umento sa mga manggagawa sa selebras­yon ng ika-117 Labor Day. GELO BAIÑO

Comments are closed.