PATULOY na nagsisilbi ang Negosyo Center Program na naging daan para mapagaan ang pagkakaroon ng negosyo at pagpapaunlad nito sa mga probinsiya lalo na sa mga local na micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pama-magitan ng kanilang mahigit na libong Centers sa buong bansa.
Para sa unang tatlong buwan ng 2019, nakapagtayo na ng 1,068 Negosyo Centers sa buong bansa, na sinabayan ng 16 na Cen-ters na itinayo rin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula pa noong 2017. Ang Centers ay nasa mga lokasyon na maginhawa para sa MSMEs at ibang kliyente, kung saan ang 964 ng Centers na ito ay nasa local government units (LGUs), 81 ang nasa Department of Trade and Industry (DTI) Regional Offices, 12 sa mga eskuwelahan, 7 sa malls, at 4 sa non-government oganizations (NGOs). 821 o nasa 77% ng Centers ay itinayo sa ilalim ng termino ni Presidente Rodrigo Roa Duterte. Ito ay sumusuporta sa mandato ng Presidente na panatilihin at paunlarin ang sector ng MSME.
Para sa taong 2019 at sa susunod pa, layon ng Department na magpokus pa sa pagpapaayos ng serbisyo na ibinigay ng Nego-syo Centers. Ang pagdaloy nito ay para magbigay ng komplimento sa patuloy na pagtatayo ng marami pang Centers sa bansa at ang pagdami pa ng mga kliyente na pinagsisilbihan.
MGA SERBISYO NG NEGOSYO CENTERS
Ang pangunahing direktiba ng Negosyo Centers ay para magbigay at magbigay ng daan sa iba’t ibang pagpapaunlad ng nego-syo ng mga MSMEs. Pinagbaha-bahagi sa tatlong core components, ang mga serbisyong ibinibigay ng Negosyo Centers ay may Business Advisory, Business Registration Assistance, at Business Information and Advocacy.
Nagbibigay ang Negosyo Centers sa potensiyal na MSMEs ng business advisory services na pupuwede sa iba’t ibang pangan-gailangan sa pamamagitan ng one-on-one consultation, focus group discussion and coaching and mentoring.
Sa pamamagitan ng Business Registration Assistance, ang Business Counsellors ay tumutulong sa pagpoproseso at dokumen-tasyon ng kinakailangang mga papeles tulad ng Business Name Registration. Kaakibat nito, nagbibigay ang Centers ng trainings, seminars at nakikipagdayalogo para madagdagan ang productivity at efficiency ng MSMEs.
Nagsisilbi ring katalista o tagapagpabago ang Negosyo Centers Business Counsellors, sa ibang MSME-serving programs ng Department tulad ng Kapatid Mentor ME Program o KMME, Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3), Shared Services Facilities (SSF), at OTOP Next Gen Project, ang ilan sa mga ito.
MSMEs ASSISTED
Mula noong magkaroon ng implementasyon ang programa noong 2014, na may limang naunang Centers sa bansa, ang bilang ng MSMEs na sinuportahan ay lumubo na sa pagdaan ng taon. Noong 2013, 70,647 kliyente ng MSME ang tinulungan ng iba’t ibang nakatayong programa ng DTI.
Hanggang noong 2018, at sa pagsisimula ng programa noong 2014, ang bilang ay dumami ng maraming beses, umabot sa 1,141% na nadagdag sa mga tinutulungang MSMEs. Base sa accumulated data mula sa Performance Governance System (PGS) at ang Negosyo Center Monitoring System (NCMS), lumago ang MSME-assisted mula noong 2013 hanggang 2018 sa 1,694,875 o ang 2,299% na nadagdag.
IMPACT NG NEGOSYO CENTERS
Inulit ni Undersecretary for Regional Operations Group Zenaida Cuison-Maglaya ang importansiya ng Negosyo Centers sa pagtatayo ng sector ng MSME sa Filipinas, sabi pa na noong nakaraan, ay umabot lamang ang DTI sa 81 probinsiya, pero ang lagpas sa libong Negosyo Centers sa ngayon ay nagbigay ng posibilidad na makaabot pa sa mas maraming tao.
Ang pagtatayo ng marami pang Negosyo Centers ay nagsisilbing daan para mapalakas ang MSMEs, na nakapagbibigay ng mas maraming trabaho at pangkabuhayan sa bawat Filipino, na napakalaking bagay sa administrasyon para malabanan ang kahirapan.
Higit pa rito, may holistic list ang DTI ng mga programa na naglalayon na matulungan ang MSMEs, pag-dating sa marketing, product development, finance, etc. Itong mga programa na patuloy sa pagpapa-tayo ng sector ng MSME at para maikonekta sila sa mga bansa sa ASEAN at sa buong mundo.
Comments are closed.