NEGOSYO CENTERS TUMULONG NG 100K SA CENTRAL LUZON MSMEs

NEGOSYO CENTER

INIHAYAG ng Negosyo Center sa Central Luzon na may 100,000 kasalukuyan at may potensiyal na micro small and medium entrepreneurs (MSMEs) ang kanilang natulu­ngan noong nakaraang taon.

Base sa report ng SME Development Division ng Department of Trade and Industry Regional Office 3 (DTI-3), nasa total na 102,339 kliyente ang natulungan ng 94 Negosyo Centers sa rehiyon.

Sa pangkalahatang talaan, 28,165 kliyente na ang natulungan sa Bulacan, habang 17,657 entrepreneurs naman sa Pampanga.

Sa Nueva Ecija, nasa 17,481 kliyente ang nasuportahan habang sa Bataan centers ay nakapagsilbi sila ng 12,777 kliyente.

Nakatulong din ang Negosyo Centers sa Tarlac ng 11,499 kliyente habang ang Negosyo Centers sa Zambales ay may 11,204 kliyente.

Samantala, nakapag-assist naman ang Aurora Negosyo Centers ng 3,556 kliyente noong 2018.

Sinabi ni DTI Regional Director Judith P. Angeles kamakailan na bukod sa business consultancy at advisory services, ang iba pang uri ng tulong na naibigay sa Central Luzon MSMEs ay business name registration (BNR) assistance and registration as barangay micro business enterprises (BMBEs).

“A total of 66,611 business names in Region 3 were registered in 2018 through the different Negosyo Centers of DTI,” lahad ni Angeles sa isang panayam.

Nanatili ang Bula­can na probinsiya na may pinakamaraming business name na nakarehistro sa  Negosyo Centers na may 19,942, sinundan ng Nueva Ecija na may 13,512 at Pampanga na may 10,616.

Ang Zambales ay may 8,016 BNRs habang ang  Tarlac ay may 7,192 at Bataan na may 5,581. Nagrehistro ang Aurora ng 1,752 business names noong 2018.

Dagdag pa rito, sinabi niya na may record na 2,983 enterprises sa Central Luzon na nakarehistro bilang BMBEs noong 2018 sa pamamagitan ng Negos­yo Centers sa rehiyon.

Sa ilalim ng  Republic Act 9178, ang mga negosyo na nakarehistro sa BMBE category ay may insentibo tulad ng tax exemption mula sa operations ng ne­gosyo, minimum wage exemption, prayoridad  sa technical assistance mula sa government agencies at prayoridad sa special loan window facility ng financial institutions.

Pinaalalahanan ni Angeles ang mga potensiyal at kasaluku­yang entrepreneurs sa rehiyon na bisitahin ang Negosyo Centers na makinabang sa libreng serbisyo ng centers.

“These services include business advisory, business name registration, training, product development services and other assistance for MSMEs,” dagdag niya.         PNA

Comments are closed.