MULING magbibigay ng halos regalong paninda sa mga maliliit na tindahan ang Puregold Tindahan ni ‘Aling Puring’ sa isasagawang Negosyo Convention sa Mayo 16-18 sa World Trade Center sa Pasay City.
Dahil pinapahalagahan ng Puregolds ang katatagan ng masang Pinoy sa kabilang ng mga nagaganap na krisis, mga panindang mura at de kalidad ang hatid ng Puregolds mapanatiling matatag ang kabuhayan nang maliliit na tindahan at maibigay sa komunidad ang mga pangangailangan produkto sa mababang halaga.
Sa gitna nang anumang krisis, kinikilala ng Puregold ang katatagan ng maliliit na tindahan bilang pundasyon upang mapagsilbihan ang ating mga kababayan at sa pamamagitan ng programang ‘Tindahan ni Aling Puring, mas pinalawak ng Puregold ang programa para masuportahan ang pag-angat ng mga negosyong pantindahan, maliit man o malaki.
“We have seen record-setting volumes, thanks to more small business owners signing up for Tindahan ni Aling Puring,” pahayag ng Pangulo ng Purefoods na si Ferdinand Vincent P. Co.
Kaakibat sa naturang programa ang paniniguro na ang mga itinitinda mula sa Tindahan ni Aling Puring, ay dekalidad, bago at sa mababang presyo.
Ang Tindahan ni Aling Puring ang sentro ng programa para sa halos isang milyong miyembro sa buong bansa na nagsisilbing pundasyon para patuloy na mapagsilbihan ng Puregold ang sambayanan.
Ang tema ng programa ngayong taon ay “Asenso Tayo,” bilang pagkilala ng Puregold sa pagpupunyagi ng mga Pinoy sa pagtatayo ng maliliit na tindahan sa mga komunidad.
“Behind nearly every sari-sari store in the Philippines is Puregold. We are honored to be their ally in their journey to success and financial independence,” sambit ni Vincent.
Iginiit ng Puregold na magpapatuloy ang kanilang pagpupunyagi upang mapagsilbihan ang masang Pilipino, sa pamamagitan ng pagtatag ng mga tindahan at iba pang katulad na negosyo na nagbibigay ng mga produkto sa mababang halaga.