PAPATAWAN ng suspensiyon ng pitong araw ang business establishments sa lungsod ng Pasig na hindi tumutupad o sumusunod sa minimum health standards.
Ito ay bahagi ng mahigpit na pagtutupad ng Pasig City government sa kampanya laban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19
Ayon kay Pasig City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero, inatasan ng LGU ang lahat ng business establishments sector na dagdagan pa ang kanilang pagbabantay upang matiyak na natutupad ang ipinaiiral na minimum health standards dahil sa umaabot na sa 12,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 508 ang active, 449 ang nasawi at 11,146 ang mga gumaling o nakarekober.
Paliwanag ni Atty. Manzanero, na ang mga inspector ay agad agad mag-iisyu ng notice of violation o suspensiyon ng kanilang mga business permits sa mga establishments na makikitaan ng paglabag sa ipinatutupad na health standards. ELMA MORALES
Comments are closed.