(Negosyo ng OFW pumatok ngayong pandemya) KAKAIBANG LASA NG ‘PARES’ BINABALIKAN

SA bawat subo ng sabaw ng kanyang tindang “Pares-Mami”, aakalain mong kumakain ka sa isang sikat ng kainan.

Sa lasa at timpla, garantisadong swak sa panlasa ng masa.

Siya si Robert T. Cuello, 40-anyos, may asawa at isang anak at residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite.

Dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Japan at nang dahil sa pandemya, nahirapan si Robert na makabalik sa abroad.

Dahil dito, naisip niyang magtayo ng isang negosyo na tatangkilikin ng mga tao.

At ang pagtitinda ng pares-mami ang kanyang napiling hanap-buhay.

Masasabing nagtagumpay siya sa kanyang napiling negosyo.

Dahil, araw-araw, ubos ang kanyang panindang pares.

Kumikita siya ng halagang P3,000 sa bawat kaldero na mauubos.

Dalawang beses bawat araw siya kung magtinda ng pares. Isa sa umaga at isa sa hapon.

Ayon sa kanyang mga suki, may kakaibang sarap ng lasa kasi ang paninda pares ni Robert.

Yung tipong hanggang sa huling patak ng sabaw sa iyong tasa ay nanamnamin at haha­nap-hanapin mo.

Isa lamang si Robert sa mga dating OFW na hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon na ma­kabalik sa abroad nang dahil sa pandaigdigang suliraning pandemya.

Subalit matagum­pay na humaharap ngayon sa hirap ng buhay.

Para kay Robert, ang kanyang panindang pares ay mag-iiwan ng hindi malilimutang lasa.

Kaya ano pang hinihintay nyo, atin ng dayuhin ang kanyang paninda. SID SAMANIEGO

3 thoughts on “(Negosyo ng OFW pumatok ngayong pandemya) KAKAIBANG LASA NG ‘PARES’ BINABALIKAN”

  1. 528121 728340I discovered your web site website on google and check a couple of your early posts. Preserve inside the top notch operate. I just extra up your Feed to my MSN News Reader. Searching for toward reading far more of your stuff afterwards! 747925

  2. 751619 984847Ive been absent for some time, but now I remember why I used to enjoy this blog. Thank you, I will try and check back more often. How frequently you update your internet internet site? 321202

Comments are closed.