HINILING ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay rehabilitation interagency taskforce na isama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kanilang proyekto.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, layon nitong mabigyan ng gabay ang mga informal settler sa pag-relocate o paglipat sa ibang lugar.
“Personal po na iminumungkahi ng inyong lingkod na isama rin sa interagency task force ang Department of Trade and Industry upang makatulong ito sa aming rehabilitation program sa Manila Bay,” sabi ni Antiporda.
Dagdag pa niya, tinitingnan din ng kanilang tanggapan kung paano mabibigyan ng matinong kabuhayaan ang mga informal settler at mapapasukan ng trabaho upang hindi na sila bumalik sa pinaggalingang lugar.
Kasabay nito, nanawagan din si Antiporda sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa rehabilitation efforts ng pamahalaan sa pamamagitan ng boluntaryong pagsama sa kanilang clean up drive o ‘di kayay tumulong na huwag magkalat ng basura para ‘di lumala ang polusyon sa Manila Bay. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.