INAASAHANG lilikha ng maraming negosyo sa bansa ang Revised Corporation Code of the Philippines na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkoles.
Nakapaloob sa batas ang pagpapadali at pagpapasimple sa corporate governance standards, gayundin ang pagkakaroon ng business-friendly environment.
Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong, mas maraming negosyo ang maeengganyo na magbukas sa bansa dahil papayagan na ang ‘one-person cor-poration’ at aalisin ang minimum capitalization requirement sa pagtatatag ng isang korporasyon.
Mas mapapadali na rin ang trabaho ng mga korporasyon dahil pinapayagan na ang pagsasa-gawa ng pulong ng mga stockholder gamit ang makabagong teknolohiya.
Ilan pa sa mga bagong probisyon sa inamyendahang Corporation Code ay records-keeping, records access, nilalaman ng minutes of board meetings, at pagkakaloob ng kapangyarihan sa Securities and Exchange Commission o SEC na magtanggal ng mga director na layong tiyakin ang pagkakapantay-pantay at transparency ng pinatatakbong korporasyon.
Sinabi naman ni Regina Capital Development Corp. head of sales Luis Limlingan, na ang ba-tas ay isang positibong kaganapan sa corporate sector. Mas magiging madali, aniya, para sa mga business owner na iparehistro ang kanilang mga negosyo.
“Also, if our rank improves in terms of ease of doing business, it will attract more foreign companies to set up shop in the Philippines,” ani Limlingan.
Sa Ease of Doing Business Report ng World Bank na inilabas noong Nobyembre, ang Filipinas ay bum-agsak sa ika-124 mula sa ika-113 sa 190 ekonomiya na binigyan ng grado.
Comments are closed.