SA mga nangangarap diyang magkaroon ng maliit na negosyo o dagdag na kita, maaari na kayong magtayo ng sariling negosyo sapagkat may mga mapagkakakitaang puwedeng simulan sa halagang isanlibo na talaga namang patok sa panlasa ng mga parokyano.
Narito ang ilang negosyong puwedeng simulan sa halagang isanlibo:
FOOD BUSINESS
Unang-una sa listahan ang food business lalo pa’t mahilig kumain tayong mga Pinoy. Hinding-hindi rin nawawala sa uso ang food business. At kung may talento ka sa pagluluto, bakit hindi mo subukan ang magtayo ng ganitong negosyo.
Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing swak na swak simulan gamit ang maliit na puhunan ang lugaw, puto, ice candy, fruit shake, pulboron, pastillas, yema, spaghetti, sopas, goto, pansit, banana cue, barbeque at iba pang street food.
Siguraduhin lang na masarap at malinis ang ilulutong pagkain nang bumalik-balik ang customer. Maaari rin namang magpa-order ng pagkain o kaya naman dessert.
PAGBEBENTA NG IBA’T IBANG ACCESSORIES
Hanggang ngayon ay usong-uso ang accessories. Maraming kababaihan, gayundin ang mga kalalakihan na nahihilig sa pagsusuot ng iba’t ibang accessories gaya ng kuwintas, bracelet, anklets, hikaw, singsing at headband.
At kung may talento ka, o matiyaga kang magdiskubre ng mga bagay-bagay, gaya na nga lang ng paggawa ng iba’t ibang accessories ay puwedeng-puwede kang magsimula ng ganitong negosyo.
Wala nang problema sa panahon ngayon dahil may internet nang maaaring gawing gabay sa paggawa ng accessories.
Kapag nalaman na rin ang basic sa paggawa ng accessories, maging creative at gumawa ng kakaibang disenyo na maiibigan ng mamimili.
RESELLING O PAGBEBENTA GAMIT ANG SOCIAL MEDIA
Reselling ang isa sa magandang option kung nais mong magnegosyo. Marami na ngayon ang walang panahong mamili sa mall o labas at pinipili ang mamili sa online. Wala nga namang kahirap-hirap dahil sa isang click mo lang ay mabibili mo na ang iyong nais.
Kaya sa mga nag-aasam na magsimula ng maliit na negosyo, swak na swak itong subukan.
Maaari kang maghanap, pumili at bumili ng maramihan ng mga produkto o damit na sa tingin mo ay maiibigan ng marami. Sa ganitong negosyo, mahalagang maging updated sa mga trend o nauuso.
Bilhin ito sa wholesale price at ikaw na ang bahalang magpresyo nito.
Sa Facebook lang at iba pang social networking sites, marami kang makikitang nagbebenta o nag-aalok ng kanilang mga serbisyo at produkto. Kunsabagay, isa nga naman ang social networking sites sa maaari nating magamit upang maipakilala natin ang ating mga negosyo at serbisyo sa publiko. Karamihan na rin kasi sa mga tao ngayon ay naeengganyo sa paggamit ng mga gadget. At lahat din tayo, nawiwili sa social networking sites. Kaya naman, kung nais mong magnegosyo, isa sa puwede mong gawin ay ang pagbebenta sa online. Ilan sa mga tinatangkilik sa online ay ang mga damit, sapatos at pampaganda. Pero dahil sa nagkalat din ang mga manloloko sa online, kailangan lang din ng sobrang ingat.
Kadalasan, natatakot ang marami sa ating magsimula ng isang negosyo. Hindi nga naman madali ang maglabas ng capital sabihin mang maliit lamang iyan. Gayunpaman, kung mangangahas tayo, saka lamang natin malalaman kung ano ang puwedeng kahinatnan ng ating gagawin.
Oo, puwedeng hindi tayo magtagumpay sa negosyong pinili natin. Pero malaki rin ang tiyansang mapaunlad natin ito, at maging simula upang maging successful tayo sa larang na ating piniling tahakin.
Kaya naman, sa pagnenegosyo, tapang at tatag ang kailangang baon-baon natin. Dahil kung mayroon tayong tapang at tatag, tiyak na maaabot natin ang ating pinakaaasam-asam na tagumpay. CHE SALUD
658077 960449What cell telephone browser is this web site page optimized for Internet explorer? 722245
145533 948682Das beste Webdesign Berlin erhalten Sie bei uns, genauso wie professionelles Webdesign. Denn wir sind die Webdesign Agentur mit pfiff. 913970
847647 364316Sweet internet site , super pattern , really clean and utilize friendly . 57702
686598 407767How considerably of an significant content material, keep on penning significant other 938697