KUMITA ang ilang 85 magsasaka sa Negros kasama ang mga asosasyon nila ng P1.3 milyon sa apat na araw na 14th Negros Island Organic Farmers’ Festival (NIOFF) na ginanap sa Provincial Capitol grounds ng probinsiya mula Nobyembre 20-23.
Pahayag ni Negros Occidental Provincial Agriculturist Japhet Masculino kamakailan na ang festival ay nakaukit na ngayon sa isipan ng mga Negrense bilang isang malaking source ng organic products at organic technology.
“Every year, new products are displayed which means that more producers are into organic farming and more people are visiting and buying organic products,” dagdag niya.
Pahayag ni Senior agriculturist Dina Genzola, nagpakita ang festival at nagtaguyod ng locally-produced organic at naturally-grown agricultural products, ang okasyon ay nakatulong para mapahusay ang kaalaman ng mga magsasaka.
“The festival has empowered Negrense farmers as active partners of the provincial government in sustaining the status as the organic capital of the Philippines,” sabi niya.
Ang taunang festival ay nagsilbing lugar para sa organic farmers na makatipon at makakita pa ng potential markets, ani Genzola.
Nagkaroon ang 2019 edisyon ng mga gawain at live talks, seminars tungkol sa benepisyo sa kalusugan ng organic food; pest management strategy in growing organic vegetables; biological farming technologies and control of pest on crops; smallholder group orientation on organic certification; organic inland fish culture; value chain on organic coconut production; organic rice production using heirloom varieties; organic mushroom production; and demonstration on organic cooking.
Nagkaroon din ng iba’t ibang kompetisyon tulad ng on-the-spot poster making contest, organic quiz bee, organic product Olympics, at organic cooking contest.
Kinilala rin ng provincial government ang outstanding organic practitioners, focal persons, local government units, at stakeholders.
Sa kasalukuyan, ang Negros Occidental ay may mahigit na 18,000 ektarya ng agricultural land, kasama ang mga hayop, na nakatutok sa organic farming. Mayroon pang nasa 18,000 organic practitioners sa probinsiya.
Ang tema ng festival ngayong taon ay “Organic is LIFE: Love, Integrity, Fairness and Ecology”. PNA