NEGROS POLICE OPS IDINEPENSA

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

CAMP CRAME – ALIN­SUNOD sa batas ang ginawang operasyon ng pulisya sa Negros Oriental na ikinasawi ng 14 miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang pulis.

Ito ang naging pagdepensa ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac, at sinabing wala silang nilabag na batas dahil nakapaloob ito sa kanilang rules of engagement ay iyon ang kanilang ginawa.

“Duty po ng PNP ang magpatupad ng batas at mag-maintain ng peace and order para sa public safety at ang ating operation na sinasagawa ay ginagawa natin ito ng may pagsunod sa mga rules of engagement,” ayon kay Banac.

Giit ng opisyal, ang mga nasawing indibid­wal ay mga hinihina­laang miyembro ng rebeldeng grupo.

Malaki rin aniya ang posibilidad na nanlaban ito sa mga pulis dahilan na sumiklab ang labanan.

Binigyang-linaw ni Banac na hindi naman magpapaputok ang mga pulis kung hindi sila pinaputukan ng mga armadong grupo.

“Well, nakatitiyak tayo na nagkaroon ng panlalaban kasi hindi naman gagamit ng kaukulang puwersa ang ating PNP kung wa-lang threat to the lives of our police officers,” dagdag pa ni Banac.

Sinabi ni Banac, legitimate ang nasabing operasyon dahil isinisilbi lamang ng mga pulis ang search warrant laban sa mga nasa-bing indibidwal na nagtatago ng mga matataas na kalibre ng armas at mga bala.

Nakahanda naman ang PNP sagutin ang anumang reklamo na ipupukol sa kanila kaugnay sa nasabing labanan.

Samantala, pinarangalan naman ni PNP chief Police General Oscar Albayalde ang sugatang pulis sa nangyaring engkuwentro sa Mountain Province.       EUNICE C.