BUMULAGA sa social media ang very romantic pictures nina Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang Instagram account. Kaya todo-kilig ang netizens especially ang fans ni Angel.
Nag-propose na kasi kay Angel ang boyfriend niya at producer na si Neil Arce. Sa Instagram account ni Angel na @therealangellocsin ipinost niya ang picture ni Neil na nagki-kiss habang nakaunat ang kanilang mga kamay malapit sa kamera.
Kitang-kita ang suot na diamond ring ni Angel habang nakaturo naman ang isang daliri ni Neil sa kamay ng aktres. At may caption na, “ Sa Puso Mo.”
Prior to this, una naming nakita ang likod ni Neil habang nakatago sa kanyang likod ang isa niyang braso at kamay na may hawak na singsing papalapit kay Angel.
Matatandaan na huling balita sa dalawa ay hiwalay na diumano sila nu’ng January this year. Pero sinagot ni Neil ang tsismis by posing his pictures with Angel habang nagbabakasyon sila sa Amerika.
Naging official ang relationship nina Angel at Neil noong February, 2018. Pero nagsimulamg kumalat ang balita na nagdi-date sila noong 2017.
Galing sa second round ng relasyon si Angel sa ex-boyfriend niya na si Luis Manzano bago nakipag-date ang aktres sa TV host.
Bukod kay Luis, nakarelasyon din ni Angel ay ang yumaong si Mico Sotto, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez at Phil Younghusband.
Samantala, si Neil ay katatapos lang ng relasyon nila ni Bela Padilla. Bago si Bela, tumagal din ang relasyon ni Neil sa anak ng King of Rap Francis Magalona na si Maxene Magalona.
Sa isang interbyu ay natanong si Angel bago mag-propose sa kanya si Neil kung magle-level-up na sa kasal ang relasyon nilang dalawa.
Say niya, “Liligawan ko pa, try ko! Kung sagutin niya ako.” That time kaka-start pa lang ng serye niya sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter.
But now, may balita na malapit nang matapos ang serye ni Angel kaya she has all the time in the world para mag-focus sa nalalapit niyang kasal.
Ang tanong ng netizens, kailan naman kaya magpo-propose si Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola?
ERWAN HEUSSAFF AT BAYAW MAS NAUNA NANG NAG- TRAINING SA ARMY KAY MATEO GUIDICELLI
BAGO pa man pumasok si Mateo Guidecelli bilang member ng Phillipine Army, under the Army Reserve Command (ARESCOM), may mas nauna pa pala sa kanya na kilala ring celebrity ang member naman ng Philippine Coast Guard Auxiliary.
And that is none other than Anne Curtis’ hubby na si Erwan Heussaff.
Unlike Mateo na super highly-publicized ang pagpasok niya bilang PA reservist, very quiet lang si Erwan.
Mas lalo naman si Anne na quiet lang din. Pero kering-keri niyang itsika ‘yun sa press as a proud wifey, ‘di ba?
Bukod kay Erwan, ka-join din niya as a member of Philippine Coast Guard Auxiliary ang bayaw niya na si Nico Bolzico. Asawa ni Nico ang Kapuso star na si Solenn Heussaff na elder sister ni Erwan.
Comments are closed.