MAY possibility na sumali ang anak ni Allen Dizon na si Nella Dizon sa Miss Universe Philippines ngayong taon.
Sa totoo lang, pinag-uusapan pa raw niya ito dahil nalilibang pa siya sa pag-aartista, lalo pa at kasama niya ang kanyang ama sa mga eksena.
Kinakabahan daw siya dahil baka nanonood ang daddy niya sa shooting, at makikita nitong pangit ang pag-arte niya.
Dati nang child actress si Nella at nagkaroon siya ng mahabang role sa “Apo Hapon” (A love story).
Sana nga raw, ngayong dalaga na siya, magkaroon uli siya ng pagkakataong magka-role sa isa pang magandang pelikula. At sana rin daw, hoping daw siyang magkaroon pa ng maraming projects soon.
Aminado si Nella na baguhan pa rin siya kahit marami-rami na ring pelikula ang kanyang nagawa.
Ni hind inga raw niya masabing magaling siyang umarte dahil wala pa siyang natatanggap na award.
Going back sa possibility ng pagsali sa Miss Universe Philippines, malaki naman talaga ang possibility. Hindi ninyo natatanong, kinorobahan siyang Mutya ring San Fernando noong 2023 kaya masasabing beauty queen na rin siya talaga. Pero hindi raw siya nanalo sa Miss Pampanga Beauty Pageant kaya medyo bumaba ang morale niya. Si Nella ang representative ng bayan ng San Fernando sa Mutya ning Kapampangan na idinaos noong Disyembre 2023. In fairness, pumasok naman siya sa Top 10 finalists.
Gusto raw muna niyang pag-isipang mabuti kung sasali siya sa national pageants. Magpo-focus daw muna siya sa kung saan siya mag-i-improve. Hindi raw naman necessarily showbiz, kundi sa kanyang sarili mismo. Pwedeng sa acting, o sa pageantry.
Nabalitaan umano niyang magkakaroon ng Miss Universe Pampanga at Miss Universe San Fernando gusto raw muna niyang manalo sa dalawang beauty pageants na ito bago siya mag-national. Kahit man lang daw pumasok siya sa Top 5, pwede na. magkakaroon na siya ng lakas ng loob. Hindi raw naman siya nagmamadali dahil una, bata pa siya, at ikalawa, tumaas na ang age limit ng Miss Universe, at pwede na rin ang may asawa’t anak.