NENE NILASING PARA MOLESTIYAHIN NG 2 TOTOY

lasing

VALENZUELA CITY – DINAMPOT ang dalawang teenager na estudyante ng alternative learning system (ALS) matapos na lasingin muna bago halinhinang gahasain ang kanilang 13-anyos na kaklase kamaka­lawa.

Kinilala ang da­lawa na sina alyas Chris, 18, at isang alyas Joshua, 17-anyos, na dinala na sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ayon sa pulisya, noong Lunes, inimbita ni Joshua ang biktimang itinago sa pa­ngalang Donna na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon matapos ang kanilang klase.

Dumalo naman si Donna ngunit pagda­ting pa lamang nito ay sinalubong na ito ng tagay ng mga suspek.

Matapos makarami ng tagay ay nawalan na ng malay si Donna at binalikan lang ng ulirat nang maramdamang may humihipo sa kanyang ari saka minolestiya sa Cam-cam Street, Brgy. Gen T. De Leon, mada­ling araw ng ­Martes. VICK TANES

Comments are closed.