PALAWAN – PATAY ang isang batang babae matapos kapitan ng dikya o “Salabay” sa local name sa braso at kamay habang naliligo sa dagat sakop ng Brgy. Poblacion, Araceli.
Batay sa ulat ng awtoridad, nagtamo ang biktima ng paso mula sa mga galamay ng “salabay” sa kanyang kamay at braso, dahil sa insidente ay nagkaroon ng tinatawag na severe allergic reaction ang biktima.
Sinubukan pa umanong itong itakbo sa pagamutan ang biktimang si Krizie subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.
Nagbabala naman ang mga eksperto na mag-ingat sa paliligo sa dagat dahil ang kamandag ng naturang jellyfish ay mapanganib at maaaring magdulot ng pagkaparalisa, cardiac arrest, at pagkamatay ng isang tao na makakapitan nito sa loob lamang ng ilang minuto. EUNICE CELARIO