BILANG pagkilala sa kanilang kabayanihan noong kapanahunan nila, 10 atleta ang iluluklok sa Hall of Fame.
Tatlo sa mga ito ay bowlers – Lita de la Rosa, Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno at Olivia ‘Bong’ Coo, dalawa ay basketball players, sa katauhan nina dating Sen. Ambrosio Padilla at Loreto Carbonell, at dalawa ay mula sa athletics-Lydia de Vega-Mercado at Josephine de la Vina.
Kasama rin sa Hall of Famers sina Ben Arda (golf) at Erbito Salavarria (boxing).
Sina Padilla, Carbonell, Arda, Codinera at De La Rosa ay pumanaw na.
Si De Vega-Mercado ay itinanghal na back-to-back fastest woman sa Asian Games noong 1982 sa New Delhi at 1986 sa Korea, habang si De La Vina ay kinoronahang pinakamalakas na javelin thrower sa SEA Games at matagal hinawakan ang Philippine record.
Si Nepomuceno naman ang tanging bowler sa mundo na nanalo ng apat na World Cup titles noong 1974, 1982, 1992, at 1996, at nailagay sa Guinness Book of World Records.
Nagwagi si De La Rosa sa World Cup noong 1978 sa Cali, Columbia, at si Coo ay nanalo sa Asian Masters at maraming beses na nangibabaw sa Asian Games at Southeast Asian Games.
Naglaro naman sina Padilla at Carbonell sa Olympics Games at Asian Basketball, habang si Codinera ay sumabak sa maraming international softball competitions at kasama sa koponan na pumang-apat sa World Softball noong 1968 sa Connecticut sa United States.
Dinomina ni Arda ang golf noong kapanahunan niya at maraming beses na nanalo sa Philippine Open. Sumabak din siya sa Wold Cup of Golf, habang si Salavarria ay naging world boxing champion.
“They deserve to be enshrined in the Hall of Fame in recognition to their outstanding achievement during their heydays where they brought countless honors to the country,” sabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.
Pinamunuan ni Ramirez ang seven-man screening committee, kasama sina Edgar Picson, Bernardo Gabrie Atienza, dating PSC Commissioner Guillian ‘Akiko’ Thomson-Guevara, Dioscoro Bautista, Pearl Managuelod at Philippine Sportswriters Association (PSA) president Eduardo Catacutan.
Kinatawan ni Picson si Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas, si Thomson-Guevara na kumatawan sa Philippine Olympian at si Bautista kay Games and Amusement Board (GAB) chief Baham Mitra. CLYDE MARIANO
Comments are closed.