NERI NAIG NAKABILI NA NG SARILING FARM

LALONG hinangaan ng bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang kakayahan ng kanyang misis na si Neri Naig na makuha ang mga bagay na pinapangarap.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Chito ang larawan ng kabiyak na nakatayo sa nabili nitong farm.

Pagbibida pa ni Chito, noong una ay may pag-aalinlangan pa siya kung mabibili ito ng kanyang misis dahil ayaw nito itong mahirapan sa pagbabayad o mabaon sa utang.

“Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on your goals, and Never give up. Last October, nakumpleto ni Neri ‘yung huling bayad sa may-ari, and she got her farm. Bilib na bilib talaga ako. Naalala ko nga parang pinost ko pa ‘yun eh,” pahayag ni Chito na ibinahagi rin ang planong gawin ng misis sa nabiling lupa.

Tataniman ni Neri ng carrots at sili ang farm at nag-aalaga rin ng mga manok dito.
Abala si Neri sa online selling ng kanyang gourmet tuyo.

13 thoughts on “NERI NAIG NAKABILI NA NG SARILING FARM”

  1. It’s the best time to make a few plans for the long run and it is time to be happy. I’ve read this put up and if I may I wish to counsel you some interesting things or suggestions. Perhaps you could write subsequent articles referring to this article. I wish to learn more things about it!

Comments are closed.