NERI NAIG NAKALABAS NA SA KALABOSO

Ibinasura na ang warrant of arrest ni Neri Naig kaya nakalabas na siya sa kulungan.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, nakatanggap sila ng court order na inisyu ng RTC [Regional Trial Court Branch] 112 para palayain si Nerizza Miranda o mas kilalang Neri Naig.

Non-bailable ang kinahaharap nitong syndicated estafa cases pero nakapagpiyansa siya sa 14 counts of violation of Securities Regulation Code sa halagang PHP1.7M noong Sabado, November 30, 2024 matapos pagbigyan ng Pasay City RTC Branch 112 ang motion to quash ng kanyang kampo.

Ang motion to quash ay isang remedyong legal kung saan ang akusado ay pinapayagang kuwestiyunin ang legalidad ng warrant of arrest.

Ayon sa abogado ni Neri na si  Atty. Aureli Sinsuat, dahil sa pagpayag ng korte na muling suriin ang warrant, inatasan ng judge ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na palayain si Neri.

Magkakaroon ng reinvestigation ang Office of the City Prosecutor sa warrant of arrest.

“The reinvestigation will provide an opportunity for Neri to respond to the allegations against her. We are hopeful that the reinvestigation will clear Neri of any wrongdoing in the Dermacare/Beyond Skin Care Solutions case,” ni Atty. Sinsuat,

Itinakda ang arraignment at pre-trial ni Neri sa December 11, 2024, mula sa original schedule na January 9, 2025.