Ipinagtanggol ni Chito Miranda ang asawang si Neri Naig sa gitna ng balitang inaresto ang dating aktres dahil sa patong-patong na kaso: 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.
Ani Chito, ang tanging kasalanan ni Neri ay ang pagiging matulungin.
Saad ni Chito: “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko
“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.
“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino.
“Alam ng lahat yan.
“Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.”
“Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya na lang, basta wala syang ginawang masama.
“Pinapa sa Diyos nya na lang.”
May kinalaman sa pagiging endorser nito ng Dermacare ang mga kaso ni Neri.
Ni wala umano silang natanggap na abiso at subpoena at bigla na lamang daw inaresto ang kanyang misis.
“Endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
“Tapos last week, bigla na lang “Yung mga dati, na-receive namin, at nag comply sya. Alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso. Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.
“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila nakay Chanda, ang may ari ng Dermacare.”
“Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”