NESTLE AIMS FOR ‘SARI-SARI’ STORES AS IT TURNS TO DIGITAL

SARI-SARI STORE

MABILIS na demand mula sa sari-sari stores ay isang “hamon” sa  Nestle Philippines, sa pagbaling nila sa digital channels at mala­king data para mas lalong lumakas sa pagbenta, ayon sa opisyal ng kompanya kamakailan.

Gumagastos ng nasa 20 porsiyento ang gu­magawa ng Nescafe, Milo at Nido sa kanilang marketing budget para sa digital at ang halaga ay matatag na lumalago sa nagdaang tatlong taon, ayon kay senior vice president para sa marketing communication and innovation, Paolo Mercado.

“When do you get a sari-sari store effect with social media? That one, we are not yet there in terms of finding that column. That one is still, let’s say, a challenge for us to see that effect,” pahayag ni Mercado sa isang panayam.

Ang mga may-ari at mga suki ng bersiyon ng Filipinas ng mom and pop stores ay konektado sa social media, sabi niya.

Tumutulong ang data analytics sa Nestle “go back to basics” sa pamamagitan ng pag-aaral ng consumer’s behavior na base sa kanilang kultura, ayon pa sa kanya.

“For Nestle, in every market, the discipline is you have to know your consumer very deeply,” dagdag pa niya.

Comments are closed.