NAGTALA ang BDO Unibank Inc. ng double-digit growth noong 2019 sa likod ng malakas na paglago ng core business nito.
Sa disclosure sa Philippine Stock Exchange kahapon, sinabi ng BDO na nagposte ang bangko ng net income na P44.2 billion noong nakaraang taon, mas mataas ng 35% kumpara sa P32.7 billion noong 2018.
“The results exceeded the bank’s P38.5-billion [profit] guidance and translate to a Return on Common Equity of 12.8% from 10.7% the year before,” sabi ng BDO.
Lumago rin ang net interest income ng bangko sa P119.9 billion mula sa P98.3 billion year-on-year.
“Consumer loans increased by 9% to P2.2 trillion due to “broad-based growth across market segments,” sabi pa ng BDO.
Samantala, ang total deposits ay nasa P2.5 trillion, mas mataas ng 3% sa likod ng 8% growth sa low-cost current account/savings account deposits na bumubuo sa 73% ng kabuuan.
Ang non-interest income ay nagkakahalaga naman ng P60.6 billion, sa pangunguna ng fee-based income na may P35.3 billion at insurance premiums na may P14.8 billion.
Ang gross operating income ng bangko ay tumaas sa P180.5 billion.
“Operating expenses amounted to P115.2 billion, in line with the bank’s continuing business and network expansion as well as higher volume-related expenses specifically, taxes and licenses and policy reserves at BDO life.”
Comments are closed.