NET INCOME NG PAG-IBIG TUMAAS, P9-B SA Q1 NG 2019

Pag-IBIG FUND

MAGANDANG balita sa lahat ng miyembro ng Pag-IBIG Fund.

Dahil  na rin sa mataas na demand at bugso ng kanilang loan products at sa patuloy na pagpapabuti ng kanilang koleksiyon, nakapagtala ang Pag-IBIG Fund ng  mataas na kita sa unang tatlong buwan ng ta-on.

Base sa kanilang ulat para sa unang quarter ng 2019, may gross income ang ahensiya na aabot sa P12.05 bilyon habang ang net income naman nito ay umabot sa P8.96 bilyon, mas mataas ng 17.3 porsiyento at 10.5 porsiyento, ayon sa pagkakasunod, mula sa mga kita nito sa kaparehong panahon  noong nakaraang taon.

“In January, we reported that Pag-IBIG Fund recorded its highest ever income of P33.17 billion in 2018, which is 10 percent better than the previous year. The double digit growth of our income continues in the first quarter of 2019. Because Pag-IBIG Fund stands as one of the most profitable government corporations, we remain in a strong position to provide social services to more Filipino workers. This is in line with President Rodrigo Roa Duterte’s directive of providing social benefits to Filipinos, especially the low-wage earners,” pahayag ni Secretary Eduardo D. Del Rosario, na parehong pinamumunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Pag-IBIG Fund Board of Trus-tees.

Ayon pa sa Pag-IBIG, dahil ito sa mataas na demand ng kanilang loan programs mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Ang halaga ng home loans na kanilang na-release ay umakyat sa 22 porsiyento year-on-year sa P17.21 bil­yon samantalang tumaas din ang bilang ng mga humihiram sa ahensiya ng 13 porsiyento sa 19,696.  Lumobo rin ang mga kumukuha ng short-term loans (STL) o cash loan sa 8 por-siyento hanggang P12.05 bilyon habang ang bilang ng humiram sa kanila ay tumaas sa 593,269, mas mataas ng 12 porsiyento kumpara sa kaha­lintulad na panahon noong nakaraang taon.

Samantala, umabot sa P40.24 bilyon ang kanilang nakolekta, mas mataas ng 13 porsiyento year-on-year. Mataas din ang kanilang nakokolektang monthly savings mula sa mga mi­yembro na may 16 porsiyento hanggang P11.15 bilyon. Ang payment para sa home loans ay pumalo naman sa P15.25 bilyon at sa STL ay P13.67 bilyon, tumaas ng 15 at 8 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.

“While the first three months of the year are usually slow for most companies, we have once again bucked the trend as we continue to achieve double digit growth. The demand for our home loan and cash loan programs exceeded our projections by a considerable margin and marked increases from the same period last year. As of March, our total assets have reached P552 billion which is about 12 percent higher than last year’s figures. Our Q1 financials prove once again how robust the workers’ Fund really is. We achieved our best year yet in 2018. If the upward trend continues in the next three quarters, we may well be on the way to achieve another best year in 2019,” ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Comments are closed.