INIULAT ng real estate developer Robinsons Land Corp. (RLC) ang 6% na pagtaas sa kanilang net income para sa 2019.
Sa regulatory filing, sinabi ng RLC na ang kanilang net income ay sumirit sa P8.69 billion noong 2019 mula sa P8.22 billion noong 2018.
Lumago rin ang consolidated revenues ng P1.02 billion sa P30.58 billion mula sa P29.56 billion noong 2018 kung saan tumaas ang mall revenues ng 11%, office buildings ng 24%, hotels ng 23%, at residential ng 5%.
Para sa full-year 2019, ang RLC ay gumastos ng P25.40 billion sa capital expenditure para sa Philippine operations nito para sa pagpapaunlad ng malls, offices, hotels at warehouse facilities, at sa pagbili ng lupa at konstruksiyon ng residential projects.
Ang RLC subsidiaries ay kinabibilangan ng Robinson’s Inn Inc., Robinsons Realty and Management Corporation, Robinsons Properties Marketing and Management Corporation, Robinsons (Cayman) Limited, Altus Angeles Inc., Altus Mall Ventures Inc., Altus San Nicolas Corp., GoHotels Davao Inc., RLC Resources Ltd., Bonifacio Property Ventures Inc., at Bacoor R and F Land Corporation.
Comments are closed.