NAGTALA ang Metropolitan Bank & Trust Co. ng net profit na P28.1 billion noong 2019, mas mataas ng 27 percent noong 2018, sa likod ng mas mataas na interest at fee-based earnings, kasama ang malakas na treasury gains.
“The bank performed significantly well in 2019, and all our initiatives contributed to the strong finish,” pahayag ni Metrobank president Fabian Dee sa Philippine Stock Exchange noong Huwebes.
Ang net interest income ay lumago ng 12 percent sa P77 billion, na kumakatawan sa 72 percent ng total revenues ng bangko na P106.9 billion.
Samantala, ang non-interest income ng bangko ay tumaas ng 26 percent sa P29.9 billion sa likod ng mas mataas na customer flows sa fixed income at foreign exchange, bukod pa sa kaaya-ayang financial market environment.
Lumago naman ang service fees at commissions ng 12 percent sa P14.3 billion, habang ang trading at foreign exchange ay tumaas ng mahigit sa tri-ple sa P9.3 billion.
Comments are closed.